Close

Ellen, nahaharap sa mga kaso re: paparazzi issue

Sponsor ads


Nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso ang showbiz personality na si Ellen Adarna.

Ito ay matapos na magsampa ng kasong anti-cyber crime at anti-child abuse ang magulang ng 17 anyos na netizen na si Eleila laban kay Ellen.

Isinampa ang kaso walong araw matapos na magdemand ang mga magulang ng public apology mula kay Ellen na inakusahan ang kanilang anak na "paparazzi" at nagvi-video sa kanya at sa boyfriend na si John Lloyd Cruz habang kumakain sa isang ramen restaurant sa Makati City.

Kinumpirma ng abugado ng mga magulang na sina Myra at Roel Santos na inihain nila ang mga kaso sa Pasig City Prosecutor's Office.

Mababatid na una nang iginiit ng magulang ng netizen na hindi na nila sana paaabutin sa korte ang isyu pero hindi naman humingi ng tawad si Ellen sa kanilang anak.

Noong May 4 kasi, nagpost ang celebrity sa kanyang instagram account na ipinakita ang 17 anyos na netizen at kasama nito na may caption na “Oo yan ha… you know the feeling… uncomfy noh?”

Agad namang dinepensahan ng 17 year old netizen ang kanyang sarili at nagpaliwanag na ang vinivideohan niya ay ang kanyang pagkain at sa katunaya'y hindi napansin sina Ellen at John Lloyd sa restaurant.