Close

Ellen, ipinakita na ang anak nila ni John Lloyd

Sponsor ads


Kumalat na sa social media ang larawan ng anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna matapos makita ang mag-ina ni Lloydie sa kanyang bahay sa Maynila.

Pero kamay lamang ng baby nila ang ipinasilip ni Ellen sa madla.

Ipinost umano ni Ellen sa kanyang instagram story ang kamay ng baby na may caption na “It’s a wild world but I get to hold your hand.”

Sinasabing Elias Modesto ang pangalan ng baby nila ni Lloydie na napaulat na biniyagan na.

Samantala, open pa rin daw ang pintuan ng ABS-CBN para kay John Lloyd.

Batay sa isang source, bukas pa rin ang Kapamilya network sa posibleng projects kay JLC.

Pero totoo raw na di nagpaparamdam ang aktor.