Close

Elex hotspot, pumalo na sa higit 700 - PNP

Sponsor ads


Pumalo na sa mahigit 700 ang bilang ng mga election hotspots na tututukan ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng May mid-term elections.

Ayon kay PNP chief PDG Oscar Albayalde, ang bilang na ito ay halos kalahati o 42.9% ng 1,634 syudad at munisipyo sa buong bansa.

Dahil naman sa pag-taas ng bilang ng mga hotspots base sa pinakahuling validated information, sinabi ni Albayalde na pinag-aaralan ng PNP ang mga kinakailangang pagbabago sa deployment ng mga pulis para sa election duties.

Giit ni Albayalde, ang mga hotspots na ito ay color-coded kung saan 223 ang code yellow o itinuturing na areas of concern, 382 ang code orange o election areas of immediate concern, at 94 Ang code red o election areas of grave concern.

Sa mga code red areas, 27 ang nasa ARMM, 19 sa Bicol Region Region, tig-7 sa Calabarzon and Western Mindanao, tig-6 sa Mimaropa at Western Visayas, 5 sa Northern Minadano, tig-4 sa SOCSKSARGEN at Cordillera, 3 sa Eastern Visayas, tig-2 sa Central Luzon at Davao region, at tig-isa sa Caraga at Cagayan Valley region; habang Walang Red Areas sa NCR at Ilocos region.

Samantala, aabot sa labing apat na libong pulis ang ipinakalat ng NCRPO o National Capital Region Police Office sa buong Kamaynilaan para siguruhing matahimik at mapayapa ang paguumpisa ng Campaign Period o panahon ng kampaniya ngayong araw

Ayon kay NCRPO Chief P/Dir. Guillermo Eleazar, magiging kritikal aniya ang susunod na tatlong buwan dahil sa mag iikot sa Metro Manila ang mga kandidato sa Pambansang Posisyon para suyuin ang mga botante