Close

Electronic, paper ERs, tugma so far – PPCRV

Sponsor ads


Inihayag ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na matched ang resulta ng electronically transmitted sa physically delivered election returns (ERs) para sa May 13 midterm elections.

Ayon kay PPCRV media director Agnes Gervacio, wala silang nakita discrepancies sa kasalukuyan, kung saan encodd na rin umano ang lahat ng mga datos at napatunyan kung anu ang nilalaman ng electronic returns.

Mababatid na mula kaninang tanghali, umaabot na sa 15 percent ng ERs ang natatanggap ng PPCRV mula sa Caloocan, Las Piñas, Makati, Mandaluyong, Manila, Novaliches, Parañaque, Pasay, Quezon City, Pasig, Pateros, Cavite, Ifugao, Baguio, Laguna, Bulacan, Mountain Province, Dumaguete, Iloilo, Tagbilaran Bohol, South Cotabato, at General Santos.

Inaasahan na rin nila ang fast-paced arrival ng mga ERs.

Kaugnay nito, 97.42 percent o 85,582 mula sa 87,851 local at overseas clustered precincts ang matagumapy na nai-transmit ang kanilang mga ERs.