Close

Electoral protest, pinareresolba na ng kampo ni Robredo

Sponsor ads


Naghain na ng petisyon sa Supreme Court ang mga abugado ni Vice President Leni Robredo para resolbahin na ang electoral protest laban sa bise presidente.

Sa sampung pahinang petisyon mula sa lead counsel ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal, sinabi nitong mas mataas ng 263,473 votes ang nakuha ng Vice President kaysa sa katunggali nitong si Bongbong Marcos Jr. noong 2016 elections.

Ayon kay Macalintal, naniniwala ang kanilang kampo na wala namang nakitang ebidensya ng pandaraya at anumang resulta ng revision at recount ng mga balota, ay nagtutugma sa resulta ng automated counting machines.

Kaya naman dapat na umanong resolbahin na ang isyu ng Korte Suprema.

Sa nasabing petisyon, sinabi ng kampo ng pangalawang pangulo na piniling pilot provinces ang Camarines Sur, Negros Oriental, at Iloilo sa kasagsagan ng preliminary conference.

Pero ang resulta ng revision, recount, at re-appreciation ng mga balota ay nagpakitang nangunguna si Robredo sa lahat ng tatlong probinsya.

Sinabi sa proklamasyon na nakakuha ng 14,418,817 votes si Robredo, mas mataas ng 263,473 votes kaysa sa nakuha ni Marcos na 14,155,344 votes.