Close

Election period, magsisimula na bukas

Sponsor ads


Magsisimula na bukas ang election period para sa 2019 May midterm elections.

Dahil dito, isasailalim ang bansa sa firearms ban at inaasahang madalas nang makikita ang mga kandidato sa publiko bago pa man magsimula ang opisyal na campaign season.

Ayon sa Commission on Elections, ang May 13 poll ang sakop ang pagpili ng mga bagong senador, mga miyembro ng House of Representatives at local

government officials habang ang presidential at vice presidential elections ay gagawin sa 2022.

Samantala, simula bukas, itatatayo na ang mga checkpoints at mariing pinagbabawal ang pagdadala ng armas at kahit anung deadly weapons, maliban na

lamang umano kung ang may-ari ay nahaharap sa "verified" threats sa kanilang seguridad, ngunit ito pa rin ay kailangan ng permiso.

Kaugnay nito sa February 13 naman magsisimula ang official campaign period, pero sa kabila na hindi naman ilegal ang "premature campaigning" pinapayuhan pa rin ng Comelec ang mga kandidato na tanggalin ang mga campaign materials na una nang isinabit, dalawa o tatlong araw bago magsimula ang campaign period.