Close

Eleazar kay Taho girl, apology accepted pero tuloy ang kaso

Sponsor ads


Tinanggap na ni National Capital Region Police Office chief Director Guillermo ang paghingi ng tawad ni Jiale Zhang, ang chinese na nagtapon ng taho sa isang pulis.

Ngunit ayon kay Eleazar, tuloy pa rin ang kaso laban sa suspek.

Ituturn over rin si Zhang sa Bureau of Immigration para naman sa deportation case na inihain ng ahensya laban sa kanya.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng BI ang mga dokumento hinggil sa kaso ng Chinese.

Mababatid na mahigpit na ipinagbawal ng NCRPO ang pagpasok ng anumang uri ng likido sa MRT para sa seguridad ng publiko.

Isa si Zhang sa lumabag rito matapos magmatigas sa pulis na humarang sa kanya papasok sa MRT Boni station dahil sa dala niyang taho.

Imbis na sumunod ay itinapon ni Zhang ang taho sa pulis na dahilan ng kanyang pagkakaaresto.