Close

Ekonomiya ng PH, makakabawi kasunod ng 6.1% GDP sa Q3

Sponsor ads


Kumpiyansa ang Department of Finance na babawi ang ekonomiya ng bansa matapos maitala ang 6.1 percent na gross domestic product growth sa third quarter ng taon o mula Hulyo hanggang Setyembre.

Ayon kay Finance Secretary Sonny Dominguez, kapag nasimulan na ang malalaking infrastructure projects ng gobyerno sa ilalim ng Build, Build, Build Program ay muling lalago ang ekonomiya.

Sa ngayon ay nakatuon aniya ang pansin ng administrasyon sa pagpapabuti ng suplay at pagpapababa ng presyo ng pagkain at iba pang basic goods.

Paliwanag pa ni Dominguez, nagsisimula nang bumaba ang presyo ng mga bilihin lalo na ang produktong petrolyo.

Mababatid na ang naitalang GDP growth ay mas mabagal kumpara sa 6.2 percent noong second quarter ng 2018.