Close

Efficacy rate ng Sinovac vaccine hindi pa rin malinaw - WHO

Sponsor ads


Hindi pa rin umano malinaw sa World Health Organization kung gaano na nga ba kataas ang efficacy rate ng covid-19 vaccine mula China na Sinovac.

Ayon kay Dr. Rabindra Abeyasinghe, representative ng Pilipinas sa WHO, hanggang ngayon ay nakasailalim pa rin sa isang masusing evaluation ang nasabing bakuna.

Matatandaan na inaprubahan na ng Food and Drug Adminstration (FDA) ang emergency use authorization application ng Sinovac ngunit hindi inirekomenda na gamitin sa mga healthcare workers at mga matatanda dahil sa mababa nitong efficacy rate.

Ipinunto naman ni Abeyasinghe na sa kabila ng walang malinaw na impormasyon mula sa WHO, nasa FDA at gobyerno na raw ito ng Pilipinas kung kanino dapat ipagkaloob ang Sinovac vaccine.

Samantala, naniniwala naman si Abeyasinghe na mas karapat-dapat pa rin na gamitin ang bakunang mas may mataas na efficacy rate.