Close

Eddie Garcia, kritikal pa rin ang kundisyon

Sponsor ads


Patuloy na nasa kritikal ang kundisyon ng beternaong aktor na si Eddie Garcia.

ito ang inanunsyo ng kanyang doktor sa bagong medical bulletin na inilbas nitong Martes ng hapon.

Ayon kay Dr. Regina Macalintal-Canlas, nasa comatose state si Garcia na may minimial spontaneous respiration.

Sinabi ng naman ng spokesperson ng pamilya Garcia na si Dr. Tony Rebosa na ang ibig sabihin ng minimal spontaneous resipiration ay bahagya na nakakahinga ang aktor.

Matatandaan na sinabi ng mga doktor noong Linggo na nasa kritikal na kundisyon si Garcia dahil sa cervical fracture.

Magugunita na bigla na lamang nag-collapse si Garcia sa gitna ng taping ng bago niyang palabas.

Sa isang pahayag naman ng TV network na GMA-7 ay iniimbestigahan nito ang dahilan ng kawalan ng medical representative sa shooting ng teleserye.

(Photo from Abante)