Close

Eddie Garcia, hind inatake sa puso

Sponsor ads


Nilinaw ng doktor ng beteranong aktor na si Eddie Garcia na hindi ito inatake sa puso.

Ayon kay Dr. Enrique Lagman, nagtamo ang 90 anyos na aktor ng 'severe cervical fracture' matapos madapa sa taping ng bago nitong television program.

Sa ngayon ay kritikal pa rin ang kondisyon ng aktor kaya naman maraming fans nito ang nananalangin sa kanyang mabilis na paggaling.

Humingi rin ng privacy at panalangin ang pamilya ni Eddie.

Sa ngayon ay masinsinanang nang sinusuri ang video kung saan makikita ang pagbagsak ng aktor.