Close

Ebidensya ni Trillanes laban kay Bikoy, tinanggap ng PNP

Sponsor ads


Tinanggap ng Philippine National Police ang ebidensyang inilatag ni Senador Antonio Trillanes laban kay Peter Joemel Advincula o alyas Bikoy.

Ito ay may kaugnayan sa umanoy mga kasinungalingan ni Bikoy na siya at iba pang miyembro ng partido liberal ang utak sa likod ng Ang Totoong Narcolist video.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Bernard Banac, gagamitin nila ang naturang ebidensya sa isinagawa nilang imbestigasyon.

Hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa rin si Bikoy para matukoy kung siya ba ay dapat maging testigo o dapat ay ituring na suspek.

Tiwala naman si Trillanes na oras na makumpirma ang kanyang alegasyon ay unti-unti ng lalabas ang katotohanan laban sa mga naninira sa kanya.