Close

Eastern Ghouta, nabawi na ng Syrian army

Sponsor ads


Idineklara ng Syrian army na nabawi na ang eastern suburbs o Ghouta sa capital na Damscus matapos na magsilikas ang mga natitirang gunmen sa bayan ng Douma.

Sa isang statement na binasa ni chief military spokesman Brig. Gen. Ali Mayhoub, nagapapatuloy na ang clearing operations ng special units sa mga kalsada at square sa Douma para sa mga land mines at pampasabog na itinanim ng mga rebelde.

Ang Douma ang pinakamalaking bayan sa Eastern Ghouta at ang pagkaka-liberate nito ay ang pinakamalaking tagumpay na nakamit ng pwersa ni President Bashar Assad mula nang sumiklab ang bakbakan pitong taon nang nakakaraan.

Ayon sa militar, nakadiskubre sila ng mga weapons, arms depots, tunnels, at mga pinagiimbakan ng pagkain.

Inihahanda na umano ngayon ang eastern Ghouta para sa pagbabalik ng libu-libong displaced persons dahil sa mahigit dalawang buwan na opensiba ng gobyerno para mabawi ang lugar.

Dahil dito, ipinagbunyi naman ng mga tao ang nasabing development at nagsayaw at nagkantahan sa kalsada bilang suporta sa aksyon ng gobyerno.




Image from: CNN