Close

EU nanawagang ayusin na ang gulo sa HK

Sponsor ads


Umaasa ang European Union na maaayos ang namumuong tensyon sa Hong Kong.

Kaya naman nanawagan ito sa mga kapulisan at mga ralyista na kung maaari ay pigilan na ang lumalalang gulo.

Hinimok ng EU ang mga pulis na magpatupad ng maximum tolerance.

Makakatulong rin aniya kung mag-uusap ang mga matataas na opisyal ng Hong Kong para matapos na ang tensyon.

Mababatid na lalong lumalala ang gulo sa lugar kung saan pati ang Hong Kong International Airport ay nalusob na rin ng mga ralyista.

Nagdulot ito ng pagkansela ng ilang mga flights.