Close

ERC, doble-kayod sa pending cases re: power plants

Sponsor ads


Tiniyak ng Energy Regulatory Commission na nagdodoble-kayod na sila para resolbahin ang mga nakabinbing kaso kaugnay sa usapin ng kuryente.

Kasama na rito ang panukalang konstruksyon ng mga bagong planta upang masigurong mayroong sapat na power generation capacity ba hihigit sa demand sa kuryente.

Ayon kay ERC Chair Agnes Devanadera, mula October 2018 hanggang nitong Marso ngayong taon ay umabot sa isandaang desisyon ang kanilang naipalabas kabilang ang pagbibigay ng go-signal na magtayo ng power plants.

Pinag-aaralan aniyang mabuti ang mga kaso at maingat sila sa pagpapasya kaya hindi madalas magpaunlak ng panayam lalo't tig-limampung kaso ang naka-assign sa bawat abogado.

Nilinaw naman ni Devanadera na walang kinalaman ang puwersahang power outage sa mga pending cases dahil kung nais talagang magkaroon ng bagong planta ay dapat naaprubahan na ito apat na taon na ang nakakalipas.

Dagdag pa ng opisyal, naapektuhan ang ahensya ng suspension orders ng Ombudsman laban sa mga commissioner pero sa ngayon ay ginagawa na nila ang lahat ng makakaya para resolbahin ang mga kaso.