Close

EO vs endo, posibleng malagdaan ni Duterte sa Labor Day

Sponsor ads


Posible na umanong lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order laban sa kontraktuwalisasyon bago o sa Labor Day.

Ayon kay Presidential spokesman Sec. Harry Roque, hindi pa nakakabuo ng final version ng executive order ang Malacañang na lalagdaan ni Duterte bilang tugon sa panawagan ng labor groups na i-ban ang contractualization sa bansa.

Ayon sa labor groups, inimbitahan umano sila para sa signing ng naturang executive order ngunit kinansela.

Dagdag ni Roque, ang pagtapos sa kontraktuwalisasyon ay isa sa mga pangako ni Pangulong Duterte noong 2016 election campaign na gusto nitong maibigay sa mga tao sa lalong madaling panahon.

Una nito, noong April 2, inamin ng Palasyo na hindi agad matugunan ng gobyerno ang demand ng labor groups para sa total ban kaugnay sa contractualization dahil kinakailagan pa umano nito ng legislation.