Close

E-payment collections ng BIR, mataas ng 92% noong 2019

Sponsor ads


Pumalo sa P1.2-B ang tax payments ang nakolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pamamagitan ng electronic channels noong 2019, o mataas ng 92% mula sa P626.35 million noog 2018.

Giit ng BIR, umakyat ang bilang ng electronic tax payments sa 446,753 transactions noong nakaraang taon, o 60% mula sa 278,602 transactions na nagawa sa pamamagitan ng e-channels noong 2018.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, para naman sa taong 2020, kabilang sa target ng BIR ay mas simplehan pa ang kanilang paper application forms at bawasan ang processing times, bilang ng documentary requirements at signatories para sa mga taxpayers para mapaganada ang pahgagatid ng ahensya ng frontline services at makatulong na mapaganda ang "ease of doing business".

Sinabi naman ni Finance Undersecretary Antonette Tionko, head ng Revenue Operations Group (ROG) ng Department of Finance (DOF), na ang shifting ng mahigit 15 million over-the-counter tax payment transactions sa PESONet ay nagrerepresenta sa mahigit 80% ng kabuoang bilang ng tax-payment transactions na pronoseso ng BIR each year.