Close

Duterte: 'Maniwala sa Diyos pero wag magpa-uto sa relihiyon'

Sponsor ads


Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Katoliko na magbasa at pag-usapan ang mga iskandalong bumabalot sa Simnbahang Katolika.

Ito ay kasunod ng panibago nyang tirada na halos 90 percent ng mga pari ay homosexual habang ang mga Obispo ay dapat umanong patayin dahil walang ginawa kundi batikusin ang pamahalaan.

Sa kanyang talumpati sa 85th anniversary celebration ng Department of Labor and Employment sa Pasay City, sinabi ni pangulong Duterte na kapag nabasa ng mga tao ang librong Altar of Secrets, siurado syang kinabukasan ay hindi na Katoliko ang mga ito.

Inabisuhan din nya ang mga Katoliko na manatiling maniwala sa Diyos pero huwag magpauto sa mga patibong ng relihiyon.

Giit pa ng punong ehekutibo, di dapat na ginagamit ng mga pari ang pulpito para mangaral at tawagin syang demonyo ngayong mayroon din namang ginagawan silang ginagawang masama sa Diyos.

Mababatid na una nang sinabi ng pangulo na nirerespeto nya ang Simbahang Katolika sa kabila ng mga patutsada nya sa mga Church leaders dahil binabatikos ng mga ito ang kanyang madugong war on drugs campaign.