Close

Duterte sa mga Pilipino: Pasenya habaan, matagal pa ang COVID-19

Sponsor ads


Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na habaan pa ang pasensya at maging matibay sa gitna na patuloy na laban kontra sa COVID-19 pandemic.

Sa harap nito, umaasa si Duterte na mabubuo rin ang bakuna o gamot laban sa COVID-19 sa lalong madaling panahon, kasabay ng kanyang babala sa publiko ng mapanganib at abnormal na panahon dahil sa global health crisis.

Una nang sinabi ng pangulo na ang bakuna para sa COVID-19 ay maaring maging available sa Enero sa susunod na taon, batay sa ulat ng American biotech firm Moderna, na gumawa ng "positive interim" results sa unang clinical tests.

Inilahad rin ni Duterte ang napaulat na matagumpay na pagbuo ng bakuna ng mga Chinese researchers.

Sa kasalukuyan, ang bansa ay may 13,597 kaso ng COVID-19, 857 deaths at 3,092 recoveries.