Close

Duterte sa Manila Water: Mag-release ng tubig mula Angat Dam

Sponsor ads


Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na mag-demand mula sa Manila Water, na magpakawala ng water supply mula sa Angat Dam.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang demand ng pangulo ay simula kaninang tanghali at sasapat ng hanggang 150-araw, para masuplayan ang mga apektadong lugar sa Metro Manila.

Dagdag ni Panelo, sa oras na mabigong ma-comply ang naturang kautusan ay mag-uudyok ito sa pangulo na papanagutin ang mga responsableng opisyal.

Mababatid na ang water levels sa Angat Dam, na siyang main water source ng Metro Manila, ay nanatiling nasa normal range pa rin.

Ang Angat Dam, ay nagsusuplay ng 96 percent na kailangang tubig ng Metro Manila.