Close

Duterte sa Filipino Muslims: 'Join me in nation-building'

Sponsor ads


Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino Muslims na ipagpatuloy ang pag-ambag sa nation-building sa pamamagitan ng pagtulong s amga mahihirap at marginalized members ng Philippine society.

Ginawa ni Duterte ang pahayag sa gitna ng pagsisimula ng pag-obserba ng Filipino Muslims sa holy month ng Ramadan.

Sa gitna ng holy month, inaatasan ang mga Muslim na magpuwasa, mula madaling araw hanggang sa lubong ang araw.

Umapela rin ang pangulo sa mga Filipino Muslims na makiisa sa kanya sa nation-building.

Binigyang diin rin ng punong ehekutibo ang pagsasakripisyo hindi lamang para sa personal na pakikipaglaban kundi ang pagbuo ng makabuluhan pakikibaka sa para sa bansa.