Close

Duterte sa EU: 'mind your own business'

Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo ang European Union (EU) dahil sa pagtatangka nito na makialam sa mga panloob na usapin sa bansa.

Ayon kay Duterte, hindi dapat manghimasok ang EU para ipatupad ang sarili nilang paniniwala at batas partikular na sa Pilipinas dahil tila kadalasang pinupuna ng unyon ang mga bansang bahagi ng ASEAN (Association of Southeast Asian Nation).

Kasunod ito ng mga pahayag ng EU na maaring maubusan ng mahigit bilyong dolyar trade deals ang bansa sa unyon kung patuloy na bubuhayin ang panukalang death penalty.

Nauna nang inihayag ni European Trade Commissioner Cecilia Malstrom na labis silang nababahala sa pagbuhay ng parusang kamatayan, lumalalang extrajudicial killings sa at panukalang ibaba ang edad ng criminal liability sa bansa. |Jasmine Cruz