Close

Duterte pinagiisipang palitan ang pangalan ng Pilipinas

Sponsor ads


Pinag-iisipan ni Pangulong Rodrigo Duterte na palitan ang pangalan na Pilipinas balang araw.

Ibinase ng Pangulo ang kanyang sinabi sa suhestyon ni dating pangulong Ferdinand Marcos na palitan ang pangalan ng bansa sa "Maharlika."

Ayon kay Duterte, mas makakabuti kung magkakaroon ang Pilipinas ng pangalan na tutukoy sa Malay identity ng bansa.

Sinabi din ng Pangulo na nawala ang Malay identity ng bansa matapos sakupin ng mga Español ang ating bansa.

Matatandaan na ipinanukala na ni dating Senator Eddie Ilarde ang pagpalit ng pangalang Pilipinas sa Maharlika na ang ibig sabihin ay "nobly created."