Close

Duterte gov't, pinakamabilis tumugon sa inflation - DOF

Sponsor ads


Ipinagmalaki ng Department of Finance na ang Duterte government ang pinakamabilis na tumugon sa problema sa inflation kumpara sa mga nagdaang administrasyon.

Ayon kay Finance Undersecretary at chief economist Gil Beltran, nagawang pahupain ng pamahalaan ang inflation sa loob ng labing-isang buwan at nag-average ng 5.6 percent noong nakaraang taon.

Batay sa report ni Beltran, apat na beses na hinagupit ng mataas na presyo ng mga bilihin ang bansa sa nakalipas na labinlimang taon ngunit nagawa umano ng Duterte regime na kontrolin ang inflation rate sa loob ng maikling panahon.

Kung ikukumpara sa liderato ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, tatlumpu't isang buwan aniya ang ginugol na panahon bago naibaba mula sa 4 percent ang inflation rate noong June 2004 hanggang January 2007.

Sa ilalim naman ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino, sumipa sa 4 percent ang inflation noong January 2011 at pinahupa ito sa loob ng labingtatlong buwan o noong February 2012.