Close

Duterte bumwelta sa pagdipensa ng CPP sa revolutionary tax

Sponsor ads


Binweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communist Party of the Philippines Founding chair Jose Maria Sison matapos nitong dipensahan ang koleksyon ng "revolutionary taxes"

Hindi kasi tinanggap ni Sison ang kundisyon ni Duterte na para maibalik ang usapang pangkapayapaan ay dapat itigil na ng mga rebelde ang pangongolekta ng revolutionary taxes.

Dinahilan ni Sison na kailangan nila ito upang ipatupad ang administration at social programs ng kanilang "people's government."

Dahil dito ay tinanong ni Duterte kung kailan pa nagkaroon ng sariling gobyerno ang mga komunista.

Sinabi din ng Pangulo na maski-isang barangay ay hindi kayang okupahin ng mga rebelde.

Giit ng Pangulo, gusto ng mga rebelde na makipagpatayan lagi pero sa kabila nito ay nananaginip si Sison na kailangan nilang mangikil para mabuhay ang kanilang gobyerno.