Close

Duterte Youth, nirerepresenta rin ang mga 'professionals' - Cardema camp

Sponsor ads


Nanindigan ang kampo ni dating National Youth Chairman Ronald Cardema na kwalipikado ito maging kinatawan ng Duterte Youth party-list sa kabila ng edad nito dahil nire-representa rin ng grupo ang professional sector.

Ayon sa abogado ni Cardema na si George Garcia, na sa pananaw ng organisasyon ay walang nangyaring misrepresentation.

Bagay naman ito na kinwestyon ni Emilio Marañon III, na abogado naman ng oppositors na National Union of Students of the Philippines, College Editors Guild of the Philippines at ng Youth Act Now against Tyranny.

Giit ni Marañon, hindi pwede na gagamitin ni Cardema ang salitang "professional" bilang loophole dahil ginamit ng party-list ang salitang "youth."

Ibig sabihin anya ay tinukoy nito ang mga propesyunal na nasa 30-anyos pababa.

Sinabi rin ni Marañon na ginamit lamang ni Cardema ang dahilan na nire-representa niya ang professional sector nang maihain na ang mga petisyon laban sa kanya.

Dagdag ni Marañon, dapat ay mag-apply ang mga probisyon ng Republic Act 7941 laban kay Cardema dahil makikita sa lahat ng submission nito na kanilang inire-representa ang Youth sector.