Close

Duterte, tinanggal na ang overseas travel ban sa mga healthcare workers

Sponsor ads


Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtanggal sa ban sa pagdedeploy ng mga healthcare workers ng Pilipinas.

Ito ang inanunsyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III kung saan mapapayagan na ang libu-libong mga nurse na kumuha ng trabaho sa ibang bansa.

Ayon sa kalihim, bumabagal na ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa at nag-iimprove na ang sitwasyon, kaya naman may kakayanan na ang pamahalaan na payagang makaalis ang mga healthcare workers.

Para naman matiyak na magiging sapat pa ang medical professionals sa bansa para sa nagpapatuloy na laban kontra pandemic, 5,000 healthcare workers lamang ang papayagang makaalis kada taon.

Mababatid na noong Abril, pinagbawalan ang mga nurse, doktor, at iba pang medical workers na umalis ng bansa dahil iginiit ng pamahalaan na kailangan sila rito sa gitna ng laban kontra pandemic.