Close

Duterte, pinuri ang tugon ng gobyerno sa Taal Volcano ashfall

Sponsor ads


Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging tugon ng mga ahensya ng gobyerno sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Sinabi ng Pangulo na kuntento siya sa kanyang mga nakita, at sa katunayan ay wala ang namatay at wala sa mga ito ang nagkaroon ng matinding karamdaman.

Ayon sa Punong Ehekutibo, mananatili ang mga kawani ng disaster response sa mga lugar na apektado ng sitwasyon hangga't maideklara na tapos na ang krisis.

Matatandaan na itinaas ang Alert Level 4 sa Bulkang Taal noong Martes, na ang ibig sabihin ay posibleng mangyari sa mga susunod na oras o araw ang hazardous eruption.