Close

Duterte, iginiit na ang ruling ng PCA

Sponsor ads


Sinimulan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pag-giit sa ruling ng Permanent Court of Arbitration na nagsasabing ang Pilipinas ang maituturing na may exclusive sovereign rights sa West Philippine Sea.

Habang ang China naman na nakikipaglaban rito ay invalid ang claim.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, mismong ang pangulo ang nagbanta sa China na huwag galawin at okupahan ang Pag-asa Island.

Nilinaw naman ng Palasyo na hindi naman kailanman isinantabi o binaliwala ng pangulo ang desisyon ng PCA.

Sa susunod na linggo ay inaasahang igigiit muli ng punong ehekutibo ang ruling ng PCA sa Road Forum sa Beijing.