Close

Duterte, VP, tumaas ang trust at approval ratiings sa Q4 ng 2018

Sponsor ads


Batay sa survey ng Pulse Asia na isinagawa noong December 14 hanggang 21, nakakuha ang pangulo ng 81 percent na approval rating na mas mataas nang 6 percentage points mula sa 75 percent noong Setyembre.

Apat na puntos rin ang itinaas ng kanyang trust rating na naitala sa 76 percent mula sa 72 percent noong third quarter.

Tumaas rin ang approval ratings ni Vice President Leni Robredo sa 62 percent, 74 percent para kay Senate President Tito Sotto habang napanatili nila ang

kani-kanyang trust ratings sa 56 at 66 percent.

Samantala, mababa naman ang performance score ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na naitala sa 27 percent bagama't tumaas nang 2 percentage points ang kanyang trust rating sa 21 percent.

Isinagawa ang survey sa kasagsagan ng isyu sa graft conviction kay dating First Lady Imelda Marcos, bigong pagpasa sa 2019 proposed national budget,

pagbisita ni Chinese President Xi Jin Ping sa bansa at ang pagpapawalang-sala kay dating Senador Bong Revilla Jr. sa kasong katiwalian.