Close

Duterte, posibleng di magpatawag ng special session

Sponsor ads


Posibleng hindi na magpatawag si Pangulong Rodrigo Duterte ng special session sa Kongreso para magpasa ng batas na muling magbibigay sa kanya ng special powers para sa COVID-19 response.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, mukhang kakayanin naman na talakayin itong Bayanihan 2 sa regular Congress seesion, habang papalapit na rin naman umano ang State of the Nation Address ng pangulo.

Mababatid na inaprubahan na ng economic cluster ang Bayanihan 2 law, na isinunod sa orihinal na Bayanihan to Heal as One Act na nagbibigay sa pangulo ng special authority para i-adjust ang fund allocations sa ilalim ng 2019 at 2020 budgets para sa coronavirus response.

Sinabi ni Roque na ang proposal ay magbibigay ng ?10 billion testing subsidy para sa karagdagang tests, maging ang ?15 billion budget para sa cash-for-work program, kasama na ang sahod para sa 50,000 contact tracers, at ?17 billion subsidy para sa public transport.

Samantala, may hiwalay naman na panukala na tinatawag na Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act, na magsisilbi bilang stimulus package mula sa ehekutibo, na kung pagsasamahin ay nagkakahalaga sa ?846 billion, mas mababa sa ?1.3 trillion proposal na pending ngayon sa Kongreso.