Close

Duterte, pinatatanggal na ang deployment bansa Kuwait

Sponsor ads


Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang deployment ban ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait.

Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque ilang araw matapos na lagdaan ng Pilipinas at Kuwait ang kasunduan na magbibigay ng dagdag na proteksyon sa mga OFWs sa Gulf State.

Ayon kay Roque, ibinaba ng pangulo ang direktiba kay Labor Secretary Silvestre Bello III matapos na irekumenda sa kanya ni Special Envoy to Kuwait Abdullah Mama-o na tanggalin na ang ban sa deployment ng Filipino workers sa nasabing bansa.

Dahil dito, maaari na ulit na magpadala ng mga household workers sa Kuwait.

Bago nito, tinanggal ng pamahalaan ang deployment ban para sa mga skilled workers sa nasabing bansa.

Mababatid na ipinatupad ang deployment ban kasunod ng pagkakadiskubre sa bangkay ng OFW na si Joanna Demafelis sa loob ng freezer.