Close

Duterte, nais gawin sa Boracay ang 2018 Miss Universe

Sponsor ads


Nais umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na isagawa ang prestihiyosong Miss Universe competition sa Boracay Island upuang mapalakas ang tourist arrivals matapso ang anim na buwang rehabilistasyon sa isla.

Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, sinabi umano ni Pangulong Duterte ang naturang ideya sa ginanap na Cabinet meeting noong nakaraang April 4.

Dagdag ni Teo, nakikipag-coordinate na umano sila ngayon sa Miss Universe Organization para muling isagawa ang pageant sa Pilipinas kung saan swimsuit competition ay gagawin sa Boracay.

Batid naman ng DOT na target ng naturang organisasyon na gawin sa China ang paghost sa naturang pageant ngayong taon.

Dagdag ni Teo, noong paghost ng Pilipinas sa 2016 Miss Universe noong January 2017 kung saan inilipat ni Pia Wurtzbach ang korona kay Iris Mittenaere ay nagresulta ng 10-11 percent increase sa tourist arrivals noong nakaraang taon sa kabila ng krisis na nangyari sa bansa tulad ng Marawi siege at Resorts World arson attack.