Close

Duterte, mananatili sa M.Metro para magmonitor sa Ompong

Sponsor ads


Kinansela ng Malakanyang ang mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong hapon dahil sa bagyong Ompong.

Nakatakdang sanang pangunahan ng Pangulo ang AFP-PNP Joint Command Conference na isasagawa sa Palasyo.

Batay sa abiso na pinadala ng tanggapan ni PCOO Undersecretary Feducia Mia- Reyes Lucas, nire-schedule na pala kagabi ang pulong ng Pangulo sa matataas na opisyales ng PNP at AFP na ginawa sa NDRRMC.

Itinakda naman sa Lunes ang susunod na aktibidad ng punong ehekutibo.

Minabuti naman ni Pangulong Duterte na manatili muna dito sa Metro Manila para i-monitor ang kaganapan sa inaasahang pagsalanta ng nagyong Ompong.