Close

Duterte, ipinamamadali ang imbestigasyon sa kaso ni Silawan

Sponsor ads


Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hustisya para kay Christine Silawan na karumal-dumal na pinatay ng mga hindi pa nahuhuling suspek sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Inatasan ng pangulo ang Philippine National Police na madaliin ang imbestigasyon sa kaso.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kumbinsido ang Palasyo na isang taong lulong sa ilegal na droga ang nasa likod ng brutal na krimen.

Mababatid na binalatan sa mukha ang biktima dahilan kaya halos bungo nalang ang natira sa ulo nito.

Bukod pa rito ay kinuhanan rin si Silawan ng lamang loob matapos pagsasaksakin.