Close

Duterte, inaprubahan na ang 2nd round ng fuel excise tax hike

Sponsor ads


Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ikalawang round ng fuel excise tax increase simula sa susunod na buwan.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, inaprubahan ni Duterte ang susunod na tranche ng fuel excise tax hike sa ginanap na Cabinet meeting sa Malacañang.

Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act, karagdagang P2.24 per liter ang ipapatupad para sa diesel at gasolina, na kanabibilangan ng P2 excise at 24 centavos value-added tax (VAT), simula sa January 1.

Giit pa ni Diokno, ipinapatupad lang umano ng pangulo ang TRAIN law na siyang nagkumbinse sa kanya na ituloy ang 2nd round ng tax hike sa oil products.