Close

Duterte, hinihintay nalang ang resulta ng kongreso re: BBL

Sponsor ads


Hinihintay na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng deliberasyon ng kongreso hingil sa panukalang Bangsamoro Law.

Ngunit giit ng pangulo, naghanda siya ng sarili niyang bersyon ukol rito.

Nilinaw rin ni Duterte na sa ngayon ay ayaw muna niyang ilabas an Executive Order No.10 dahil nirerespeto niya ang kongreso.

Ang mahalaga umano sa ngayon ay ang magkaroon ang Moro people ng sarili nitong gobyerno dahil lalo lamang lalala ang sitwasyon kung hindi ito maisasakatuparan.

Nangangamba kasi ang punong-ehektibo na baka may mamuong gulo kung hindi mapagbibigyan ang mga ito.