Close

Duterte, di hihingi ng suporta mula sa religious groups para sa Senate bets

Sponsor ads


Iginiit ng Palasyo na hindi umano hihingi si Pangulong Rodrigo Duterte ng suporta sa mga religious groups para sa kanyang mga ini-endorsong senatorial candidates sa May 13 2019 elections.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi umano ito ang style ng pangulo.

Una nang tinira ni Duterte ang Simabahang Katolika na mahigpit na kritiko ng war on drugs at anti-criminality drive ng gobyerno.

Matatandaan naman na noong 2016 presidential elections, inendorso ang noo'y Mayor Duterte ng bloc-voting na Iglesia Ni Cristo.

Noong December 2018, mababatid na nag-courtesy call si Duterte at ang kanyang trusted aide Christopher “Bong” Go, na tumatakbong senador sa isang maimpluwensyang religious group.

Pero depensa ni Go, nakipagkita lang umano sila sa INC leader na si Eduardo Manalo para batiin ito ng belated happy birthday.

Si Manalo ay special envoy for overseas Filipino workers’ concern ng administrasyon.