Close

Duterte, bumwelta sa mga naninisi sa pagkamatay ni Atty Ramos

Sponsor ads


Hindi ikinatuwa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paninisi ng mga kritiko sa kanyang administrasyon sa pagpatay sa abogado ng Sagay farmers na si Atty. Benjamin Ramos.

Ayon kay Duterte, wala siyang nakikitang dahilan para patayin ang abogado kaya hindi naman tamang ibunton ang sisi ng krimen sa gobyerno.

Nilinaw rin ni Duterte na hindi niya papayagan ang sinuman, abogado man ito o hindi na umokupa ng lupain ng iba.

Nauna namang tinawag ng Palasyo na iresponsable at walang basehan ang pagturo kay Duterte bilang salarin sa pagkamatay ni Ramos.

Mababatid na isa si Ramos sa mga abogadong tumulong sa pamilya ng siyam na magsasaka na napatay sa Sagay, Negros Occidental noong nakaraang buwan.