Close

Duterte, bubuo ng bagong TF para mapalakas ang employment sa PH

Sponsor ads


Nakatakdang bumuo si Pangulong Rodrigo Duterte ng isa pang task force, pero sa pagkakataong ito, ay para tulungan ang mga Pilipino na nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, nakatakdang lagdaan ni Duterte ang isang executive order na nag-iinstitutionalize sa National Employment Recovery Strategy Task Force para mapaganda ang employability at productivity ng mga manggagawa at makapagbigay ng suporta sa kasalukuyan at emerging businesses.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, sinabi ni Nograles na kailangan ng gobyerno ng coherent strategy para lalo pang mabawasan ang 17.7% na unemployment rate noong nakaraang taon, na katumbas sa mahigit 7.3 million Filipino.

Samantala, depensahan naman ng Cabinet secretaries ang pagbuo sa bagong force, at iginiit na nais ng Duterte administration ang "breaking silos" sa pagitan ng gobyerno at mga ahensya para epektibo ang pagtutulungan ng gobyerno.