Close

Duterte, bibisita ng Israel sa Sept. 3 —envoy

Sponsor ads


Lilipad patungong Israel si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang three-day official visit simula sa September 3.

Ayon kay Ambassador Effie Ben Matityau, ito ang kauna-unahang pagbisita ng pangulo ng bansa sa Israel.

Kaugnay nito, makikipagpulong si Duterte kay Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu at President Reuven Rivlin kung saan layun na mapag-usapan ang political, security, people-to-people, at economic ties sa pagitan ng dalawang bansa.

Samantala, inaasahan ring magdadala ang pangulo ng malaking business delegation, kung saan maari ring maganap ang paglagda sa malalaking kontrata.

Ibinunyag pa ni Matityau na target rin ng ilang Israeli companies ang joint ventures sa Filipino counterparts, partikular na sa manufactiring sector.