Close

Duterte, balik-Davao para i-celebrate ang Valentine's day

Sponsor ads


Ipagdiriwang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang araw ng mga puso sa Davao city kasama ang Pamilya.

Ito ang kinumpirma ni Pangulong Duterte sa kanyang pagharap sa mga distressed OFWs mula sa bansang Kuwait.

Biro pa ng pangulo na kahit salubungin siya ng bagyong Basyang ay hindi siya nito mapipigilang umuwi para makasama ang kanyang pamilya.

Pinayuhan din ng punong ehekutibo ang mga OFWs na hanga't maari ay bilisan nito ang pag-uwi para makapiling nito ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong Valentine's Day.

Magugunitang noong nakaraang taon ay ipinagdiwang ng Pangulo ang araw ng mga puso sa resthouse nito sa Carmen Davao del Norte kasama ang common-law wife na si Honeylet Avanceña at ang anak nitong si Veronica. // LEY BAGUIO