Close

Dureza, kumpyansa na mapopondohan ang BOL

Sponsor ads


Kumpyansa si Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na meron pondo ang gobyerno para maimplementa ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ito ay kahit sinabi ng mga economic managers sa Senate hearing para sa 2019 budget na wala pang pondo ang nakalaan para sa implementasyon ng BOL.

Ayon kay Dureza, meron naman contingent funds ang gobyerno na pwedeng gamitin para dito.

Gayunpaman, sinabi ng kalihim na ipapaubaya na lang niya kay Budget Sec. Benjamin Diokno ang pagdedesisyon kung saan manggagaling ang pondo para sa BOL.

Ipinunto naman ni Dureza na kung hindi kaagad maimplementa ang landmark legislation ay maari itong maging trigger upang masira ang kapayapaan sa Mindanao.