Close

Duque, dumepensa sa pagbili ng mahal na medical equipment

Sponsor ads


Denepensahan ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbili ng gobyerno ng mas mahal na medical equipment sa gitna ng coronavirus disease pandemic.

Una nang pinuna ni Senator Panfilo Lacson ang umano'y “grossly overpriced” na mga health at medical supplies na binili ng pamahalaan para sa Department of Health.

Sa pagdinig ng Senate committee of the whole kaugnay sa mga updates sa COVID-19 response, agad na ipinasa ni Duque ang mga katanungan ng mga senador kay Budget Undersecretary Lloyd Lao, executive director of the Procurement Service, at sinabing wala sa mga items ang direktang binili ng DOH.

Paliwanag ng kalihim, hiniling nila ang tulong ng PS-DBM o Procurement Service of the Department of Budget and Management, dahil sa panahong iyon umano ay nagsisimula silang pataasin at habulin ang testing capacity.

Giit pa ni Duque, naniniwala umano silang ang PS-DBM ang may mas malawak na network ng local at international suppliers, kaya naisip umano nilang makakakuha sila ng mas competitive kung hindi man reasonable pricing points.