Close

Duque, di kumbinsido na humuhupa na ang COVID-19 sa mundo

Sponsor ads


Hindi kumbinsido si Health Sec Francisco Duque sa ulat na unti unti nang humuhupa ang banta ng COVID 19 sa buong mundo.

Sa press briefing sa Malakanyang sinabi ni Duque na hindi sapat ang mga datus para masabing stable na ang sitwasyon.

Dapat din umano masilip ang mga kaso at sitwasyon sa lalawigan ng Hubei at iba pang bahagi ng China gayundin sa mahigit 20 pang bansa na nagkaroon ng kaso ng covid 19

Maging ang pagpasok ng panahon ng tag init sa Marso ay hindi rin tiyak kung ano ang magiging epekto sa transmission o pagkalat ng nasabing virus.

Muli namang siniguro ng DOH na todo paghahanda ang ginagawa nila sakaling magkaroon ng loacl transmission ng COVID-19 sa bansa.