Close

Dunk legend Vince Carter, opisyal nang nagretiro sa NBA

Sponsor ads


Opisyal nang nagretiro mula sa National Basketball Association si Vince Carter, ang isa sa pinaka-electrifying dunkers of all time.

Ang 8-time All-Star ay naglaro para sa walong iba't-ibang teams, kabilang na sa Toronto Raptors, para sa kanyang unang pitong taon sa liga, o ang kinilalang Vinsanity era.

Nakilala rin ito bilang global sensation matapos manalo ng 2000 Slam Dunk Contest, isang pagkakataon kung saan pinatunayan ang kanyang reputasyon bilang isa sa pinaka acrobatic high-flyers na nakita sa mga laro at nanalo rin ito ng Olympic gold sa Sydney.
Noong March 11 nang maglaro ang naturang player para sa kanyang final NBA game, kung saan ito rin ang parehong gabi na pansamantalang itinigil ang liga nang magpositibo sa COVID-19 Rudy Gobert ng Utah.

Samantala, si Carter ay napiling pang-lima sa 1998 NBA Draft ng Golden State at ipinalit sa Raptors, kung saan hinirang ito bilang 1999 NBA Rookie of the Year, ang kanyang high-leaping acrobatics na nagdala sa kanya para sa 2000 NBA Slam Dunk Contest title at palayaw na "Air Canada."

Maliban dito, naglaro rin si Carter para sa New Jersey Nets, Orlando Magic, Phoenix Suns, Dallas Mavericks, Memphis Grizzlies, Sacramento Kings at Atlanta bilang shooting guard at small forward.

Sa 1,541 regular-season games, nakapuntos si Carter ng 17.2, 4.4 rebounds, 3.2 assists at 1.0 steals, habang noong 2000 Olympics, at pinangunahan nito ang gold-medal US squad sa 14.8 points ng laro.