Close

Ducielle Cardema, nagsisilbing parrot ng Duterte admin- Elago

Sponsor ads


Naniniwala si Kabataan party-list Representative Sarah Elago na nagiging parrot lamang ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang baguhang kongresista na si Duterte Youth party-list Representative Ducielle Cardema.

Ayon kay Elago, mistulang mouthpiece ng administrasyon ang Duterte Youth kung saan ay inuulit nito ang pag-atake ng rehimeng Duterte laban sa dissent at paggamit sa karapatan ng kabataan na labanan ang pang-aabuso, kurapsyon, at tyranny.

Sinabi din ni Elago na maraming beses na ginagamit ang usapin tungkol sa recruitment umano ng New People's Army sa school campuses para patahimikin, at gipitin ang organisasyon ng mga kabataan at atakehin ang academic freedom.

Iginiit ni Elago na imbis magsulong ng measures na gagarantiya sa pondo na magagamit para sa pangangailangan ng kabataan para malabanan ang epekto ng COVID-19 pandemic, ay mas pinili ni Cardema na simulan ang Congressional term nito sa "witch hunt" laban sa kabataan.

Matatandaan na isinulong ni Cardema ang House Resolution 1293 para sa pagsasagawa ng congressional inquiry kaugnay sa recruitment umano ng NPA sa kabataan, na pinapangunahan umano ng front organizations at campus youth groups.// RAMAK KOWSARI