Close

Drummond, ginamit ang $28.7M na option para manatili sa Cavs

Sponsor ads


Lumabas sa maraming ulat na ginamit umano ng Cleveland center Andre Drummond ang kanyang $28.75 million option para manatili sa Cavaliers.

Una ang binigyang diin ni Drummond, na maglalaro siya para sa Cavalier sa 2020-21 NBA season.

Ang option ng 6-foot-10 veteran ay nagkakahalaga ng $28.75 million sa final season ng five-year, $127.2 million deal na nilagdaan nito sa Detroit noong July 2016.

Si Drummond ay ang All-Star sa Pistons noong 2015-16 at 2017-18 bago ma-trade sa Cleveland noong Pebrero.

Ang naturang player ay may averaged na 17.5 points, 11.1 rebounds, 1.5 steals at 1.4 blocks sa buong eight games sa Cavaliers bago masuspende ang season dahil sa coronavirus pandemic.