Close

Drug war sa Region 12, palalakasin pa

KORONADAL CITY - Palalakasin pa ang drug war sa buong Rehiyon-12 sa mga susunod na araw.

Ito ang inihayag ni PDEA-12 Regional Director Gil Castro sa panayam ng Brigada News FM Koronadal.

Sinabi ni Castro na magsasagawa pa sila ng malakihang raid sa mga susunod na araw kung saan target nito ang mga drug lords o yaong mga nasa high-value target ng kanilang tanggapan.

May case operation plan umano sila na El Patrol kung saan magiging sentro nito ang mga patron ng drug trade hindi lamang sa South Cotabato ngunit sa buong SOCCSKSARGEN region.

Matatandaan na noong Linggo, sinabi ni Castro na isang drug lord at isa sa mga big fish sa drug trade ang kanilang nahuli sa South Cotabato na si Balong Espinosa na nakuhanan ng mga matataas na kalibre ng baril at umano'y shabu na nasa kalahating milyon. BNFM Koronadal