Close

Drilon: House panel na umuopo bilang Con-As, 'dangerous precedent'

Sponsor ads


Binigyang diin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na mali si House committee on constitutional amendments chairperson Alfredo Garbin Jr. nang ibahagi nito na ang kanyang panel ang umuopo na bilang Constituent Assembly (Con-Ass) nang magresume ang mga kongresista sa pagdinig sa mga panukalang pag-amyenda sa "restrictive" economic provisions sa 1987 Constitution.

Giit ni Drilon, ang mga kongresista at senador ay inihalal bilang mga miyembro ng Kongreso, at bilang mga mambabatas ay gumagawa ng mga ordinaryong batas, at hindi bilang mga miyembro ng constituent assembly na magpapanukala para amyendahan ang konstitusyon.

Dagdag pa ng senador, ang claim ni Garbin ay walang basehan, sa halip ay mapanganib na halimbawa.

Binigyang diin pa ng opposition senator na ang parehong House of Representatives at Senado ay kailangang mag-convert ng kanilang sarili sa Con-Ass sa pamamagitan ng isang resolusyon, bago magpanukala ng mga amendments sa konstitusyon, at hiwalay pa na boboto ang dalawang kapulungan.